Paraiso

By Mark Lester Abriza

Paraiso pa kaya ang mundong ito?
Mundong punong-puno ng kasalanan
Kasalanan na ‘di matapos-tapos
May mapagmataas at may mga luhaan
Ito ba talaga ang paraiso?

Mundong puno ng kalat at dumi
Kalat na dala’y kahinaan
Dumi na dala’y sakit
Ito ba talaga ang paraiso?

Ang tao’y walang alam
Walang alam kundi magkalat
Walang alam kundi makapanakit
Ito ba talaga ang paraiso?

Paraiso pa kaya ang mundong ito?
Oo, magiging paraiso pa ito
Paraisong walang dumi at kalat
Paraiso na ang tao’y may kusa
Paraiso na puno ng pag-asa.

No comments: