Kamunduhan

By Camille Loren Martinez

Isang mundo…
Isang pagkatao…
Isang kaluluwang namumuhay sa tila kawalan,
At isang pusong nananabik sa katotohanan.

Palasyong pinagpalang tirhan
Isang madilim na kamunduhan
Isang tinitingala at minamasdan
Ang mundong puno ng kadiliman.

Isang salot at kahinaan,
Ang pagsamba sa kamunduhan
Pagkat ‘di lamang natin nalalaman
Na tayo’y dinadala sa kadiliman.

Iisang Diyos na siyang may karapatan
Upang sambahin at mahalin kailanman.
Ngunit atin Siyang iniiwan at sinasaktan
Sa tuwing tayo’y nabubuhay sa karimlan.

Ang lugar na puno ng kamalian
Ang lugar na halos ating sambahin at hagkan
Isang lugar na makasalanan
At napupuno ng kamunduhan.

No comments: