Kapayapaan

By Althea Reganion

I
Sa araw-araw ay katahimikan
ang nais kong makamtan
sa nagkakagulo nating bayan,
kailan pa makakamit ang kapayapaan?

II
Tulad na lamang sa ating gobyerno,
away-bati ang mga tao
ginagawa anuman ang kanilang gusto
nang masilayan ang kapangyarihang nais matamo.

III
Maging sa loob ng mga tahanan,
Sermon ng ina ang napapakinggan
Away ng magulang, ng buong pamilya,
May katapusan pa kaya?

IV
Lagi na lamang ganito
Tulungan mo po kami, O, Diyos ko
Nawa’y kapayapaan aming matamo,
Upang sa buhay kami’y makuntento.

No comments: