By Raissa Azarcon
Unti-unti, dahan-dahan
Ang mga daho’y naglalaglagan
Bumibitaw, kumakalas
Sa tubig lumalagaslas
Nahagip ng tingin, ‘di man salaminin
Parang alikabok na sumasabay sa hangin
Mga tikom na halimuyak sa aking paligid
Mga ilang-ilang na nakapinid
Wala nang natira pang bakas
Mga yapak at yabag na kay lakas
Mga luhang naparam
Mga pares ng matang nahilam
Ang mga sariwang sugat
Inilihim ko nang pahat
Namumutawi ang dilim
‘Di ko man makimkim
Tama na ang paghihikahos
Pagod na ang pusong sa lagusa’y naglalagos
O, kailan nga ba matatapos?
Mga luhang di tumitigil sa pagbuhos
No comments:
Post a Comment