By Pepito Dizon
Natatakot akong lumabas
Baka nariyan siya at kumakaripas
Natatakot akong maglaro
Baka nakamasid mga mata niyang tuso
Tumatayo ang aking balahibo
Baka matulad ako sa iba kong kahalubilo
Ayaw kong gumalaw sa aking kinalalagyan
Baka may mangyaring di ko inaasam
Subalit ano pa ang saysay ng pagkatakot
Ngayong ako ay nasa kanya nang pangil
Ilang saglit na lang ay mawawalan na’ko ng hininga
Tuluyang lalamunin at dudurugin ng kanyang bituka
Mamamatay na nga lang ako,
Natatakot pa ako
Ngunit wala namang saysay ito
Pagka’t mamaya, idudumi niya na ako.
Malayo na ako sa pagiging daga
Isa na lamang akong dumi sa lupa
Na nginuya at pinahirapan ng gutom na pusa.
Subalit kahit ako ay isang dumi sa lupa…
Natatakot pa rin akong maapakan ng paa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment