By Jerome Ganzon
Pumipitik-pitik ang ilaw
sa bawat segundo ito’y sumasayaw
nagsisimula nang yumugyog
ang musikang pinatutugtog
Lumabas na rin ang pinakahihintay
sa entabladong sila’y sanay na sanay
humiga at mamaluktot
upang ipakita ang kanilang talulot
Nakakailang serbesa na
ang aking natutungga
pagod at nagsawa na
ang aking mga mata sa kakatitig sa kanila
Nang mag-init na ang aking kalamnan
agad-agad kong nilapitan
ang Ebang aking natitipuhan
upang sa kanya ibuntong ang tawag ng laman
Agad kaming nakarating
sa isang murang motel sa Santa Mesa
‘di na kami nagatubili
umupa ng kwartong luxury
Tumirik ang aking mata
sa pagsabog ng dalang kargada
kay sarap; ang sarap, sa uulitin
huwag lang sana akong bibitinin
Natapos din sa wakas ang aksyon sa kama
at kami ay tuluyang namahinga
tapos na rin ang gabi ng sarap
bukas, babalik muli sa buhay kong hirap.
No comments:
Post a Comment